CELTS PINULBOS ANG WIZARDS

celtics

NAISALPAK ni Kyrie Irving ang isang tiebreaking, 31-foot 3-pointer, may 17 segundo ang nalalabi sa overtime, at natakasan ng bumibisitang  Boston Celtics ang Washington Wizards, 130-125, noong Miyerkoles ng gabi.

Sumablay sina Bradley Beal at John Wall sa  3-point attempts upang magtabla ang iskor bago sinelyuhan ni Irving ang panalo ng Boston sa pamamagitan ng dalawang free throws.

Ang 3-pointer ni Irving, may 38.6 se­gundo ang nalalabi, ang nagbigay sa Celtics ng two-point lead, subalit naitabla ito ng jumper ni  Wall, may 30.7 segundo sa orasan.

Umiskor si Irving ng 38 points at nagdagdag si  Marcus Morris ng  27 para sa Boston, na nanalo ng pitong sunod.

PELICANS 118, THUNDER 114

Naitala ni Anthony Davis ang kanyang  ikalawang sunod na  40-plus point game nang patahimikin ng host New Orleans ang Oklahoma City.

Nagbuhos si Davis, kumana ng 41 points sa pagkatalo sa Boston noong Lunes, ng season-high  44 points at nagdagdag ng 18 rebounds.

Nag-ambag si Julius Randle ng  22 points at 12 rebounds, gumawa si Jrue Holiday ng 20 points at  10 assists at tumipa si Darius Miller ng 10 points mula sa bench.

Tumapos si Paul George na may 25 points at  11 rebounds upang pangunahan ang Thunder, na nanalo ng lima sa kanilang huling anim na laro. Mula sa bench ay gumawa si Dennis Schroder ng  24 points, at nagdagdag sina Russell Westbrook at Steven Adams ng tig- 20 points.

NETS 127,

76ERS 124

Bumanat si Spencer Dinwiddie ng career-high 39 points upang tulungan ang bumibisitang Brooklyn na magwagi kontra Philadelphia.

Nagdagdag si Allen Crabbe ng  20 points at kumabig si Joe Harris ng  14 nang ipalasap ng Nets sa Sixers ang hindi pangkaraniwang pagkatalo sa home.  Ang Sixers ay 14-1 sa home ngayong season kung saan ang naunang kabiguan ay sa Cleveland Cavaliers.

Nanguna si Joel Embiid para sa Sixers na may 33 points at 17 rebounds habang nagdagdag si  Ben Simmons ng 22 points.  Gumawa si Furkan Korkmaz ng 18 points at tumipa si T.J. Mc­Connell ng 17.

Sa iba pang laro: Grizzlies 92, Trail Bla­zers 83; Hornets 108, Pistons 107; Cavaliers 113, Knicks 106; Pacers 113, Bucks 97; Mave­ricks 114, Hawks 107; Jazz 111, Heat 84

Comments are closed.