CENTER FOR INNOVATION AND ENTREPRENEURSHIP ITATAYO NG PCCI

Benedicto Yujuico

ITATAYO ng  Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang pinakamalaking  business organization sa bansa, ang Center for  Innovation and Entrepreneurship upang magsilbing ‘incubator’ para sa start-up businesses sa bansa.

Sa pakikipagpulong kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon M. Lopez III,  inilatag ni PCCI President Benedicto Yujuico ang kanyang mga plano sa susunod na dalawang taon ng kanyang presidency, isa rito ay ang CIE, na susuporta sa Regional Inclusive Innovation Center ng DTI.

“Innovation and Entrepreneurship are the core programs of my Presidency. It’s a personal advocacy because I’ve proven these concepts to be effective drivers not only in helping businesses grow, but also having an entire cycle of business deve­lopment,” wika ni Yujuico.

Idinagdag ni  Yujuico na palalakasin ng PCCI ang partnership nito sa pamahalaan  at  iba  pang stakeholders upang makapagpatupad ng innovation ecosystem na magkakaloob ng mas mala­king oportunidad sa mga negosyo sa bansa.

Pangunahing isasagawa at ituturo ng CIE ang start-ups sa buong bansa na may potensiyal na umunlad at lumaki.

Nagpahayag naman ng suporta si Lopez sa kasalukuyang programa ni Yujuico sa innovation, partikular ang pagtatayo ng CIE, at nakahandang makipagpartner sa PCCI sa pagpapalakas sa strengthening Regional Inclusive Innovation Center ng DTI.

Samantala, tinalakay rin ni Yujuico kay Lopez ang epekto ng coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) sa supply chain.

Sinabi ni PCCI Industry Committee Chair Perry Ferrer na bagama’t nakararanas pa rin ang industriya ng kakulangan sa raw materials dahil sa paghina ng  factory operations sa China, nagpahayag siya ng pasasalamat na natugunan na ang isyu sa cargo.

Sa Ease of Doing Business, nagpahayag ng interes ang DTI na makipagtulungan sa PCCI, sa pamamagitan ng Anti-Red Tape Autho­rity (ARTA), sa paghahanap ng Most Business Friendly LGUs — isang  award na ipinagkakaloob ng PCCI sa  kanilang annual Philippine Business Conference.

Ipinanukala rin ni DTI Asec. Jean Pacheco ang pagbuo ng DTI-PCCI Technical Working Group sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

Nagkasundo rin ang PCCI at DTI na ituloy ang   pagsasagawa ng training program para sa MSMEs gamit ang MSME guide sa Disaster Resilience.

Comments are closed.