CENTRAL LUZON NAGLAGAY NG PAMANTAYAN PARA SA MGA GAWANG PINOY

trade fair

NASA ika-21 taon, nais ng Likha ng Central Luzon Regional Trade Fair na bigyang-ningning ang orihinal na gawang Pinoy sa pamamagitan ng maipagmamalaking magagaling na produkto mula sa probinsiya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Nagkaroon ng trade fair noong Oktubre  2-6, 2019 sa Megatrade Hall 2, na nasa 5th floor ng Mega B Building, SM Megamall, at Mandaluyong City. Inorganisa ito ng DTI-Region 3 Office, Philexport-Region 3, Regional Development Council-Region 3, at sa suporta ng Central Luzon growth Corridor Foundation, Inc. (CLGFI) at local government units.

May temang “Great Finds, Great Buys”, layon ng Likha na kunin ang domestic at international market sa pagbibigay ng mahabang seleksiyon para sa retail at wholesale buyers tulad ng mga sumusunod pero hindi limitado sa woodcraft, furniture, housewares, traditional clothing, footwear, jewelry, bags, sauces, wine, home décor, delicacies, snacks, at dairy products.

Ang centerpiece ng Likha ay ang OTOP special setting, na nagpapakita ng iba’t ibang specialty products at prototypes ng MSMEs mula sa mga probinsiya na­ naka-enrol sa ilalim ng One Town, One Product (OTOP) – isang  stimulus program ng Regional Operations Group na naglalayon na tulungan ang mga lokalidad na ma-develop at mailako ang mga nakapokus na produkto sa pag-ayuda sa mga MSME sa pro­duct deve­lopment, design improvement, market access, at mga kahalintulad nito. Layon ng programa na palakasin ang OTOPreneurs para pagandahin at makaprodyus ng dekalidad na produkto gayundin na sanayin sila para matutong makipagkompetensiya sa patuloy na pagbabago ng merkado.

Nagbigay rin ang trade fair ng lugar para makilala ang mga pagsisikap at mga karanasan ng maraming MSMEs sa pamamagitan ng pagkilala at pagbibigay ng awards sa kani-kanilang linya ng mga nagawa: 2018 Likha Top Sellers, Likha Gems Award, Likha Green product Award, at Loyalty Award.

Sa mahigit na 150 MSMEs na sumali ngayong taon, layon ng Likha na maabot ang pinagsamang benta na P40 milyon, dagdag pa rito ang bookings, at magbigay nang mas malawak na patutunguhan ng mga gawang Pinoy. Sa totoo, ang 2019 Likha ng Central Luzon Regional Trade Fair ay nagbigay ng pamantayan para sa mga gawang Pinoy sa pag­hahandog ng dekalidad at pangkompetensiyang mga produkto sa mga kon­syumer.

Comments are closed.