CERTIFICATION PROGRAM FOR SIGN LANGUAGE INTERPRETERS

SIGN LANGUAGE

ANG Certification Program for Sign Language Interpreters ay proyektong inilunsad ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, sa pamamagitan ng New Era University (NEU) at Christian Family Organizations (CFO), noong December 3, 2017 sa NEU Main campus.

Bunga ng mabilis na pag-unlad ng programa, at patuloy na paglaki ng pangangailangan ng mga SL interpreter na tutulong sa pangangalaga sa mga kababayan nating deaf, binuksan ang programang ito sa NEU Lipa City (Batangas) Campus ngayong Agosto 17, 2018.  Magbubukas din ng ganitong programa sa NEU San Fernando (Pampanga) campus sa darating na Setyembre.

Nararapat lamang na maisagawa ang pagsusulong ng SL interpreting lalo na sa ating bansa kung saan ay kakaunti lamang ang sumusulong ng ganitong programa.  Bagama’t may iilang SL program sa bansa, hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ang mga specialization programs para sa iba’t ibang larangan katulad ng religious, legal, medical, business, at news interpreting. Mayroon din mga mahahalagang bahagi ng SL interpreting na hindi naituturo sa mga paaralan na may SL program.

Sa kasalukuyan, wala pang programa ang gobyerno tungkol sa pagtatalaga at pagpaparami ng mga guro na makapagtuturo ng Sign Language sa mga paaralan at pamantasan.  Ang mga guro na nagnanais na makapagturo ng Sign Language sa mga paaralan ay dumadalo lamang sa seminar on basic Sign Language na tumatagal ng isang araw o isang linggo.  Kung ang isang guro, halimbawa, ay aanyayahang mag-interpet para sa mga deaf sa isang programa sa telebisyon, malamang na siya ay hindi magpapaunlak dahil sa kakapusan pa ng kaniyang kaalaman at kakayahan.

Kung gayon, nanga­ngailangan ng isang programa sa ating bansa na makalilinang o makalilikha ng SL interpreter na may sapat na kasa­nayan at kakayahan. Sa Amerika, ang Registry of Interpreters for the Deaf (RID) ay may itinakdang kategorya ng specialization ng Certification for Sign Language Interpretation.  Ang isang interpreter sa education setting, halimbawa, ay hindi maaaring makapag-interpret kaagad sa court setting.

Ang kawalan ng batas sa ating bansa na nag-aatas sa lahat ng sangay ng pamahalaan na magtalaga ng mga SL interpret-er sa iba’t ibang larangan o setting ay nagbubunsod ng kawalan ng interes  o alab na lingapin ang mga kababayan na­ting Deaf.

NEW ERA LIPA BRANCH
Mula sa kanan pakaliwa (first row) Ministers of Iglesia Ni Cristo Charmil Castro, Gloverick Parungao, Rodolfo Hernandez, Arnel Macatangay, Cong. Vilma Santos-Recto, Dr. Nilo Rosas, Dr. Florentino Duqueña Jr. at Ed Lumbao.
Photo courtesy of Jaimar Dan V. Orosa

Ang Certification Program for Sign Language Interpreters ay makatutulong nang malaki sa kapakanan ng mga kababayan nating deaf.  Ang isa sa mga panga­ngailangan ng mga deaf ay edukasyon.  Kaya, ang mga Special Education (SPED) teacher ay nagangailangan din ng SL interpreting skill, upang makatulong sila sa pa­ngangalaga sa mga mag-aaral na deaf.  Pagkatapos ng kanilang pagdalo sa certification program na ito, maaari na silang magturo sa mga paaralan at pamantasan kung saan may mag-aaral na mga deaf.

Ang mga magtuturo at evaluators sa programang ito ay mga certified interpreter mula sa Philippine Registry of Interpreters for the Deaf, Philippine Association of Interpreters for Deaf Empowerment, Filipino Sign Language Program ng Saint Benilde, at Helen Keller National Center sa Amerika.  Sila ay mga Sign Language interpreter sa the INCTV at NET 25, at mahigit nang dekada sa SL interpretation sa mga aktibidad ng Iglesia lalo na sa mga pagsamba.

Ang Assesment and Evaluation Tool na gagamitin ay nakabatay sa Educational Interpreter Performance Assessment® or EIPA Rating System, na mahigpit na ipinatutupad sa ibang bansa.  Ang curriculum ay masu­sing binalangkas batay sa Analysis, Design, Develop, Implementation, and Evaluation of ADDIE Process.

Ang programang ito ng NEU ay para sa kapakanan ng mga kababayan nating deaf, at mga SL interpreter.  Higit sa lahat, ito ay sa kapurihan ng Panginoong Diyos.

_______oOo_______

PHILOSOPHY:  Produce God-fearing Sign Language interpreters for His mission.

VISION: A world-class Certification Program for Sign Language interpreters with a unique Christian culture of excellence, discipline, and service to humanity.

MISSION: Provide quality education for Sign Language interpreters anchored on Christian values with the prime purpose of bringing honor and glory to God.

OBJECTIVES:

To provide certification in Sign Language interpretation.

To create more leaders in interpreting instruction for the expansion of this program worldwide.

To help in bringing our university to be the center for excellence in catering the persons with special needs, especially Deaf persons.

To produce Sign Language interpreters that are highly skilled in various ways in interpreting for Deaf persons.

Comments are closed.