NAPAKABATA pa ni Cesar Fernando Basa sa edad na 26 nang mamatay siya sa pagseserbisyo sa bansa.
Lumaki sa Isabela, Negros Occidental, bata pa lamang ay mahilig na siya sa siyensya. Kumuha siya ng kursong Chemistry sa Ateneo de manila kung saan nakilala siya sa husay sa paglalaro ng basketball. Nang maka-graduate siya noong 1939 at nagdesisyong kumuha ng flying course sa Philippine army at naging piloto makaraan ang isang taon.
Kinailangan ang kanyang husay bilang piloto noong 1941 at nadestino si 2nd Lieutenant Basa sa Batangas sa pamumuno ni Captain Jesus Villamor. Noong December 12, 1941, pabalik na sana si Villamor at limang iba pang piloto mula sa isang surveillance mission nang makita nila ang 54 Japanese bomber planes na umaatake sa Batangas Air Field. Dahil galing mga sa misyon, 15 minutes na lamang ang natitira nilang gasoline, pero lumaban pa rin sila. Pitong Japanese planes ang saba-sabay na sumugod sa kanila kaya napilitan silang mag-parachute, ngunit pinaputukan sila ng machine-gun.
Binigyan si Basa ng Silver Star Medal at ipinangalan sa kanya ang isang air base in Floridablanca, Pampanga. — LEANNE SPHERE