ISANG chopper ang nag-emergency landing sa kabukiran sakop ng Sitip Pulo, Brgy. Barihan, Malolos City .
Makikita sa bukid na ito sa Sang bakas ng gulong ng Cessna Plane 152 aircraft nang mag-emergency landing ganap na alas-2:30 hapon nitong Pebrero 10, 2024.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Edgar De Jesus, nagsasagawa ng touch-go training flight ang Fliteline Aviation School Inc. nang magkaroon ng aberya ang eroplano.
Nabatid na isang Barangay Councilor Carlito Cristobal, 53-anyos, nakita nuya ang biglaang pag- landing ng naturang eroplano sa gitna ng bukid.
Kinilala ang piloto na si Capt.Ysmael Argonza, kasama ang estudyante nito na si Iñigo Martin, nabatid na nagmula sa Subic to Plaridel Airport ang two-seater na eroplano.
Kung saan bago pa makarating sa Plaridel Airport, nakaranas na umano ng fuel starvation ang nabanggit na aircraft.
Kasunod nito ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa naturang insidente. THONY ARCENAL