BULACAN- BAHAGYANG nagalusan ang piloto ng Cessna 152 plane na may registration RP-C5656 makaraang mag overshot sa runway 17 kahapon ng hapon.
Nabatid na lulan ng Cessna plane 152 ang instructor pilot na si Capt.Dennis V Ordinaryo, 26-anyos at student pilot nito na si Hazel Mae Labador, 19-anyos matapos ang rough landing sa naturang Runway 17 dakong ala-1:50 ng hapon.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philipines (CAAP) naging mabilis ang pagbaba sa halip na mabagal para sa runway 35.
Sinubukan ng piloto na muling mag take off subalit hindi kinaya na sumalpok sa perimeter fences na bahagyang tumama sa abandonadong bahay.
Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CAAP kung ano ang sanhi ng insidente.
THONY ARCENAL