CESSNA PLANE BUMULUSOK SA BUKID, 2 PILOTO LIGTAS

Cessna plane-1

NUEVA ECIJA  – NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang dalawang piloto makaraang bumagsak ang two seater Cessna plane sa isang bukid sa Brgy. Homestead 2 sa  bayan ng Talavera kahapon ng umaga.

Sa sketchy report ni Lt. Col. Alexie Desamito, ganap na alas-7:35 ng umaga nang bumulusok sa taniman ng palay ang nasabing chopper na may 172P-body number RPC-2847.

Kinilala ang mga nakaligtas na piloto na sina Maria Thalia Zeth Limpin y Ruiz, 22-anyos, estudyante ng  Fast Aviation Academy Lingayen, Pangasinan residente ng Bayan Luma 5 Cavite at si Boni Sorgon y Domopoy, 31-anyos, flight instructor residente ng Brgy. Libsong West, Lingayen.

Lumitaw sa paunang imbestigasyon na  nagkaroon ng engine failure ang naturang Cessna Plane na nag-round trip sa Cabanatuan City at pabalik na ng Lingayen nang maganap ang insidente. THONY ARCENAL

Comments are closed.