NANINIWALA si Senadora Cynthia Villar na dadaaan sa matinding konsultasyon ang isinusulong ng House of Representative na pagbabago sa saligang batas.
Ayon kay Villar kapag sakaling maiakyat ito sa senado dadaaan ito sa masusing konsultasyon sa publiko dahil kapag Cha Cha ang pag-uusapan ay maraming tumututol dito.
Muling iniungkat ng senadora na sinubukan na rin ito ng mga nakaraang administrasyon ang Cha-Cha, subalit bigo dahil ayaw ng publiko ng pagbabago sa saligang batas lalo na sa usapin ng termino ng mga nanunungkulan.
Magugunita na inihain kamakailan sa Kamara ang pagsusulong sa pagbabago ng saligang batas na agad na tinutulan ng Makabayan bloc. VICKY CERVALES