NANINIWALA si Senadora Cynthia Villar na malabong maipasa ang isinusulong na version ng House of Representative sa Charter change.
Reaksiyon ito ng senadora matapos maipasa ang ng House sa ikatlong pagbasa ang kanilang version sa Cha-cha.
Ayon kay Villar, hindi na lulusot ngayong 17th congress ang Cha-cha dahil hindi pa natatapos ng senado ang P3.75 trilyon 2019 national budget.
Iginiit pa ng senadora na matapos nilang maipasa ang budget sa Enero o Pebrero sa susunod na taon ay magiging abala naman ang mga reelectionist sa kampanya para sa 2019 midterm election.
Dagdag pa ni Villar na maraming pagkakataon na isinulong ang Cha-cha sa mga nakaraang administrasyon subalit naging bigo ito dahil sa maraming mga kababayan ang tutol sa pagbabago ng Saligang Batas.
Aniya, maayos naman ang nagiging takbo ngayon ng ekonomiya at tumataas ang Gross Domestic Product (GDP) kung kaya’t wala ng dahilan para sa pagsusulong ng Cha-cha. VICKY CERVALES
Comments are closed.