BUMABANDERA si Soulemane Chabi Yo, ang athletic University of Santo Tomas slotman, sa season MVP race sa pagtatapos ng first round ng UAAP men’s basketball tournament.
Tubong Benin, si Chabi Yo, nakalikom ng double-double numbers sa lahat ng pitong games ngayong season, ay may 82.71 statistical points upang maungusan si Ateneo’s Ivorian center Ange Kouame, na may 81.43 sa ikalawang puwesto.
Pinangunahan ang Growling Tigers sa 4-3 finish sa pagtatapos ng first round, si Chabi Yo ay may average na 19.9 points, 15.3 rebounds, at 1.6 assists per game.
Nagposte rin si Kouame, nagbida sa seven-game sweep ng Eagles sa first round, ng double-double averages na 14 points at 13.1 rebounds per contest.
Siya rin ang league-leader sa blocks na may 4.9 per game.
Nadominahan ng foreign players ang statistical race, kung saan nasa ikatlong puwesto si University of the Philippines’ reigning MVP Bright Akhuetie na may 69, habang nasa ika-5 puwesto si Alex Diakhite ng University of the East.
Sa nakalipas na tatlong seasons ay nakopo ni Cameroon’s Ben Mbala ng La Salle ang back-to-back MVP noong 2016 at 2017, na sinundan ni Nigerian Akhuetie noong nakaraang taon.
Nasa ika-4 na puwesto naman si Kobe Paras ng University of the Philippines na may 65.2.
Nasa ika-6 na puwesto si Rey Suerte ng UE na may 62.29, sumusunod sina La Salle stalwarts Jamie Malonzo (61.5) at Justine Baltazar (58.57), Ateneo’s Thirdy Ravena (57.71) at Adamson’s Lenda Douanga (56.86).
Sa Rookie of the Year race ay nangunguna si Mark Nonoy ng UST na may 38.29, malaki ang kalamangan sa kanyang teammate na si Sherwin Concepcion na may 33.86.
Sa women’s division, nasa tamang direksiyon si Congolese center Grace Irebu ng UST para sa back-to-back season MVP award na may league-best 91.57 SPs.
Pumapangalawa si Adamson’s Nathalia Prado na may 90.54, sumusunod si Jack Danielle Animam ng NU na may 75.57.
Ang iba pa na nasa top five ay sina NU’s Rhena Itesi (74.29) at Far Eastern University’s Clare Castro (71.51).
Comments are closed.