IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ipagpaliban muna ang Charter change (Cha-cha) hanggang sa Hunyo 2022 o sa 19th Congress.
Sa kabila naman ng pagsuporta ni Drilon sa pagluwag sa economic provisions sa bansa sa ilalim ng Konstitusyon ay kinuwestyon din niya ang timing sa pag- amyenda sa 1987 Constitution.
Kaya tanong ng senador kung dapat ba gawin ito ngayon at bakit hindi maaring ipagpaliban hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.
Iginiit pa niya na wala ng panahon ngayong 18th Congress para mag-Charter change o ChaCha dahil sa rami na rin ng problemang kinakaharap ng bansa na mas dapat unahin.
Bukod dito marami pa rin umanong panukalang batas na maaari naipasa at hindi kailangan ng constitutional amendments para mas lumuwag ang investment climate ng bansa.
Kabilang umano rito ang pag-amyenda sa Public Service Act and the Retail Trade Liberalization Act habang ang panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives Reform Act (CREATE), ay nakabinbin pa sa bicameral conference committee.
Matatandaan na isinalang na sa House Committee on Constitional Amendment ang panukalang Chacha. LIZA SORIANO
Comments are closed.