CHAIRMAN KINASUHAN SA OMBUDSMAN

ombudsman

SINAMPAHAN ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Office of the Ombudsman ni Hernando Compedio ang kanilang Punong Barangay na si Alfredo ‘Freddy’ Roxas ng Barangay Kaligayahan sa Quezon City.

Ayon sa kanyang sinumpaang salaysay, siya ay naglingkod bilang isang Public Safety Officer sa kanilang barangay noong Enero 2016 hanggang Hunyo 2022 at tumatanggap siya ng kanyang buwanang sahod na P11,500.00.

Subalit dahil siya raw ay na-stroke ay pinatigil muna siya ng kanilang Brgy. Captain na si Roxas, sa kanyang pagtatrabaho at ang kanyang huling natanggap na sweldo ay noong Hunyo 2022.

Nang naging mabuti na raw ang kanyang kalagayan ay muli siyang nakipag-usap sa kanilang Brgy. Captain upang muling makabalik sa kanyang trabaho ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay siya na pala ay tuluyang tinanggal nang wala man lang notice na natanggap.

Pero ang masaklap pa raw sa kanyang kalagayan, ay nang mapag-alaman niya na kasama pa rin daw siya sa payroll ng kanilang barangay hanggang Desyembre 2023.

Kasama rin unano ang kanyang pangalan sa isumiteng Annual Budget ng Barangay ni PB Alfredo Roxas na may petsang October 5, 2022 sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Quezon City.

Noong January 24, 2023 ay agad namang naaprubuhan ang Budget ng Barangay Kaligayan na kasama ang kanyang pangalan para sa buong taon.

Dahil dito ay nagpasya na siyang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ang kanilang Brgy. Chairman.

Naniniwala rin siya na isa siya sa ginawang ghost employee ng kanilang Brgy. Kapitan.

Dahil din sa ginawang pagsali ng kanyang pangalan sa listahan ay makakasingil ang Barangay ng halagang P170,118.00 para sa buong taon ng 2023.

Kinasuhan din ang Brgy. Sec. na si Maripha de Jesus at Brgy. Treasurer Hesiree Santiago ng Falsification of public documents. BENEDICT ABAYGAR, JR.