CHAIRMAN’S CUP PINABUBUHAY SA PSC

HINILING ng mahihi­lig sa baseball kay  ­Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang pagbuhay sa Chairman’s Cup at Commissioners’ Cup Baseball para magkaroon ng pagkakataon ang mga manlalaro na ipakita ang kanilang galing at bumalik ang sigla ng nasabing sport.

“Chairman Ramirez should revive the two baseball competitions initiated by his predecessor Chairman Ricardo ‘Richie’ Garcia to give players the chance to showcase their skills and at the same bring back the glory years of baseball,” sabi ng isang die hard baseball fan.

Naging aktibo ang baseball sa administrasyon ni PABA president Hector Navasero kung saan ang mga manlalaro ay sumasabak sa dalawa hanggang tatlong torneo sa isang taon.

Ini-host ni Navasero ang Asian Baseball Championship, East-Asia Cup Baseball, SEABA Basebal, SEA Games Baseball, at mga torneo na nilahukan ng Guam, Korea, Malaysia, Marianas Island, Fiji at Papua New Guinea.

Sa kanyang slogan  na ‘baseball is life’ ay naging atkibo ang baseball at dumami ang nahilig dito dahil sa iba’t ibang torneo na idinaos kahit walang tulong pinansiyal mula sa PSC.

Dahil hindi na aktibo at walang regular baseball tournaments, napilitan ang mga national player na tu­manggap ng coaching job sa mga private school na may baseball programs at ang iba ay bumalik sa kanilang mga lalawigan.

Ang Filipinas ang reigning baseball champion sa SEA Games at East Asia Cup, number 5 sa Asia at 19th sa world.

Kasama ang baseball na lalaruin sa 2019 SEA Games sa Pinas. CLYDE MARIANO

Comments are closed.