CHAMPION BREWER SA VISAYAS

Barista_s Quest

MATAPOS ang matagumpay na Barista’s Quest sa Davao at Baguio City, inaabangan naman ang sa Visayas region. Maaaring sumali sa Kettle + Cup: Coffee Brewing Challenge ang mga barista at coffee enthusiasts sa Cebu City at karatig lugar. Gagawin ang kompetisyon sa July 25, 6PM sa Tightrope Coffee na matatagpuan sa Pres. Quezon Street sa Cebu City.

Pangungunahan ang Barista’s Quest campaign ni Michael Harris Conlin, President and CEO ng Henry & Sons Trading and Manufacturing Company, Inc., na siya ring 2019 Philippine National Barista Champion at 2019 World Barista Championship Semi-Finalist.

Isang month-long campaign ng kompetisyon ang Baristas’ Quest na binuo upang ma-empower at ma-promote ang kaalaman sa paggawa ng kape ng Filipino baristas at coffee enthusiasts.

Naging matagumpay ang ginanap na kompetisyon sa Davao at Baguio City. Itinanghal na champion sa Quest Coffee Triangulation Competition sa Davao City si John Rey Plaza ng 4th Street Café. Samantalang si Leandro Lamis ng Figaro Baguio naman ang nanalo sa Coffee + Art: Latte Art Throw-down sa Baguio City.

Ang magiging champion sa na­sabing kompetisyon ay magkakaroon ng pagkakataong mai-represent ang kanyang region sa pamamagitan ng competitor sponsorship package sa National Coffee Championships, travel allowance at accommodation sa Philippine National Barista Assembly na gaganapin sa darating na September 20 sa SMX Convention Center Aura, at ang Comandante Grinder!

Para sa dagdag na kaalaman sa Barista Quest, bisitahin ang www.facebook.com/baristasquest/ or contact Tony Dy at 0917.153.1188.

Comments are closed.