CHAMPION PADDLERS SA RISE UP! SHAPE UP! NG PSC

psc

PAIIGTINGIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Women’s Month celebration nito sa pagtatampok sa mother-daughter bond nina world-class Pinay paddlers Maribeth Caranto at Rosalyn Esguerra sa March 13 episode ng Rise Up! Shape Up!

Si Maribeth Caranto ay bahagi ng 2018 Philippine national dragonboat team na nagwagi ng gold medal sa 2018 ICF World Dragonboat Championships. Ibibida niya ang extraordinary work na nagawa ng kanyang ina para suportahan ang kanyang mga pangarap.

Ibabahagi rin ni Rosalyn Esguerra kung paano sila itinaguyod ng kanyang ina nang mamatay ang kanyang ama noong siya’y isang taong gulang pa lamamg. Tinupad ng ina ni Esguerra ang responsibilidad na ito habang sinusuportahan ang career ng kanyang anak bilang isang paddler.

“As a mother, you can exercise great influence on your daughter’s passion for sports or lifelong pursuit of physical fitness. The eagerness for your daughters to get into sports starts from you, mothers. So, the PSC is renewing its dedication, despite the pandemic, to tap the women in the sports sector to be more creative in its campaign to increase the number of girls engaged in sports,” pahayag ni PSC Women in Sports Oversight Commissioner Celia H. Kiram.

Magiging panauhin si licensed psychologist at Philippine Association of Child and Play Therapy’s Riza Ng sa episode para sa short talk sa mindful parenting at magbahagi ng tips sa kung paano paiiralin ang ‘mindfulness’ sa iba’t ibang parenting styles.

Para sa Kuwentong Isport, ibabahagi ni Comm. Kiram ang kawili-wiling kuwento hinggil sa indigenous Filipino boats na bahagi ng kakaibang kultura ng bansa. CLYDE MARIANO

Comments are closed.