DALAWANG beterano ng Barangay Ginebra ang bibitiwan na ng team. May value pa naman ang dalawang manlalarong ito kaya nga hinahanapan na sila ng koponan at makakuha ng batang- batang kapalit nila.
Ang dalawang players ay sina Jeff Chan at Fil-Am Jared Dillinger. Maganda ang ipinakita ni Dillinger noong Philippine Cup, habang si Chan ay nadale ng injury kaya hindi ito nakapaglaro.
Saka nais ng management ay bumata ang lineup ng Gin Kings dahil ang kalabang mortal na TNT Tropang Giga ay pawang bata ang mga manlalaro.
Goodbye na nga ba talaga kina Chan at Dillinger sa kampo ng Brgy Ginebra?
Samantala, posibleng magretiro na rin sina Mark ‘Spark’ Caguioa at Joe Devance. Marami nang injury itong si Devance. Dahil kailangan siya ng team noong huling bubble game ay napilitan siyang maglaro upang matulungan ang koponan. Si Caguioa naman ay dapat lang mag-retire na rin para magkaroon ng pagkakataon ang Ibang players na mas bata sa kanya sa kanyang position.
Wala nang dapat patunayan pa si D Spark sa kanyang basketball career. ilang taon ding siyang namayagpag.
vvv
Ngayong January 31 ay matatapos na ang kontrata ni Chris Bachero sa Phoenix Super LPG Fuel Masters. Ngayon pa lamang ay nire-renew na ng management ang kontrata ni Bachero. Subalit mukhang ayaw pa pumirma ng player.
Kasi kapag natapos na ang kontrata nito ay malalagay na ang Fil-Am sa unrestricted free agent upang makapamili ito kung saan niya gustong maglaro. Hindi nga ba pinag-aagawan si Chris ng sister team na Ginebra at San Miguel Beer?
Malamang sa malamang ay mas nais ni Bachero na maglaro sa malaking kompanya bagaman ang dating team nito ay ang Magnolia na ipinamigay naman siya sa Alaska Aces at nalipat sa Fuel Masters.
vvv
Get well soon kay PSC Chairman Butch Ramirez na positive umano sa COVID-19. Kaya hindi siya nakadalo sa TOPS Usapang Sports na buena manong guest si Chairman at mag-i-induct sa mga bagong halal na opisyal ng TOPS
Ang humalili kay Chairman Ramirez ay si Commissioner Celia Kiram.
Ang mga bagong officer ng TOPS ay sina Beth Repiso Lacson, president (Pilipino Star Ngayon); Dennis Eroa, VP Internal; Rico Navarro, VP External (Remate); Edwin Rollon, secretary (PILIPINO Mirror); Nympha Miano Ang, treasurer (Bulgar), at Fred Nasiad, auditor. Congrats sa lahat!