TILA may mga tao o grupong nais siraan, hiyain o kutyain sa publiko ang newly-appointed Deputy Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na si Atty. Romeo Lumagui, Jr.
Nais nitong kunin ang atensiyon ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang agad na mapatalsik sa puwesto gamit ang ‘character assassination’.
Hindi na ito bago dahil sa mga nakalipas na administrasyon, sa tuwing may bagong uupong lider ng bansa ay nagsusulputan ang kaliwa’t kanang puna at batikos sa mga appointed official.
Sa BIR ay naging target ng character assassination si DepCom Lumagui subalit lahat ng ginawang pag-atake sa kanya ay dinedma lamang niya sapagkat ang kanyang prayoridad ay ang magsilbi nang tapat sa bayan.
Sa mga nakalipas na araw ay naging laman ng social media si DepCom Lumagui sa mga bagay na paninira sa kanyang pagkatao na lihis naman sa katotohanan.
Idinawit pa sa intriga ang misis ni Lumagui na si Lawyer Carmela Esquivias. Si Carmela ay anak ni dating BIR Commissioner Sixto Esquivias at ito ay nagsilbi ring Executive Assistant ni First Lady Liza Araneta Marcos. Si Carmela ay naging bahagi rin ng law firm ng First Lady na M and Associates.
Si Lumagui ay may Juris Doctor Degree sa Ateneo De Manila University School of Law kung saan siya nagtapos bilang 2nd honor.
Mas pinili ni Lumagui na manahimik o huwag patulan ang mga paninira sa kanya, sa halip ay nanawagan ito sa mga revenuer na magtrabaho nang tapat at mas pagbutihin ang pagkolekta ng buwis, bagay na sinuportahan ng 22 regional directors, 150 revenue district officers at 13,000-strong employees ng Rentas sa buong bansa.
“It is now time for everyone to work together especially in the difficult time of economic slump,” ang panawagan ni DepCom Lumagui sa mga revenuers patungo sa tunay na pagkakaisa ng bansa.
Nagpalabas din ng statement of support ang itinuturing na pinakamalaking Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines sa liderato ni Attorney Lumagui, sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Rodolfo Ocampo at ni Chairman Emeritus Percival Salazar.
“We at the Bureau of Internal Revenue Travelers Haven (BIRTH) Inc. firmly stand behind DepCom Lumagui. His honesty, integrity and professionalism epitomize the ideal traits of public servant. We commit to serving the BIR to the best of our abilities. We likewise promise to actively combat any attemps to soil or tarnish the reputation of our agency and its leadership,” nakasaad sa statement of support.
May panawagan din si Commissioner Lilia Guillermo sa lahat ng opisyal at kawani ng BIR na magtrabaho nang husto at gampanan ang sinumpaang tungkulin sa bayan sa pagkolekta ng buwis upang matugunan ng Marcos administration ang mga financial na pangangailangan ng bansa para sa kaunlarab, kapayapaan at kaginhawahan ng sambayanang Pilipino.
Ang BIR at Bureau of Customs (BOC) ay ilan lamang sa collection agencies ng gobyerno na may malaking role sa pagkolekta ng buwis, na ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno ay katuwang ng administrasyon sa pangangalap ng pondo para itustos sa mga makabuluhang proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos.
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].)