Charlie Dizon, contractor

NANG  magpakasal si Charlie Dizon sa actor na si Carlo Aquino noong June 9, 2024 ay iilan lamang ang nakasaksi.

Isa itong napaka-intimate na okasyong closest family members and both sides’ parents lamang ang dumalo.
Actually, ni walang announcement ng engagement, na para bang secret ang lahat.

Natapos ang mala-fairytale na private wedding sa Silang, Cavite, na walang imbitadong media.

Nalaman na lamang ng lahat ang event sa Instagram, kung saan nakilala na rin ng madla ang ama ni Charlie na si Ramon Matienzo at ang kanyang inang si Nida Dizon Matienzo, pati na ang tatlo pa niyang kapatid na babae.

Unang nakilala si Charlie sa pelikulang Fan Girl Kasama di Paulo Avelino. April Rose Dizon Matienzo ang tunay niyang pangalan, 28-year-old at isinilang noong April 12, 1996 sa Pilipinas.

Electrical Engineer ang kanyang ama na nagmula sa Pansipit ngunit sa Batangas naisipan ni Engr. Matienzo na magtayo ng construction company.

Sabi ni Charlie, napakaswerte niya dahil very supportive ang kanyang family, at nauunawaan siya ng mga ito sa lahat ng aspeto.

Natapos si Charlie ng kursong Human Resource Management sa De La Salle -College of St. Benilde. Tulad ng iba pa niyang kapatid, tumutulong siya sa kumpanya ng kanyang ama, ngunit hinayaan pa rin siya ng kanyang pamilya na mag-artista.

Nanalong Best Actress si Charlie Dizon sa Metro Manila Film Festival 2020 for para sa pelikulang “Fan Girl,” at Bago sila ikasal ni Carlo Aquino ay muli niyang nakopo ang isa pang best actress award sa Gawad Urian.

Inakala niyang nahihirapan ang kanyang pamilyang tanggapin si Carlo dahil bukod sa mas matanda ito sa kanya ng sampung taon (38 na si Carlo, going 39 at isinilang siya noong September 3, 1985) ay may love child pa ito kay Trina Candaza — si Enola Mithi. Ngunit walang naganap na aberya at heto nga, ikinasal na sila.

Maituturing na mga entrepreneur Ang buong pamilya ng Matienzo dahil ang lahat sila ay shareholders sa Matienzo Constructions. Si Charlie pa rin ang in-charge sa management ng empleyado at tumutulong din ang kanyang mga kapatid, ngunit Kay Engineer Ramon Matienzo pa rin ang final decision. Sooner or later, kapag nagretiro na siya, isa sa kanyang tatlong anak ang papalit sa kanyang pwesto.