DATI-RATI, aminado ang dating ABS-CBN President at ngayon ay ABS-CBN Chief Content Officer na si Charo Santos-Concio na kinikilig pa rin siya sa tambalang Juday at Piolo.
Pero, ngayon, iba na ang kinakikiligan niya. Faney na faney na siya ng Kathniel. Katunayan, sobrang fan siya ng Teen King na si Daniel Padilla.
Ayon pa sa kanya, wish niya na makasama ang young actor sa isang proyekto.
Tamang-tama naman dahil may nilulutong proyekto ang ABS-CBN na pagsasamahan nilang dalawa.
“Alam kong marami na ang nag-aabang. Ipagdasal na lang natin na matuloy siya,” aniya.
Masaya naman si Charo sa pagwawagi ng kanyang programang MMK sa Asian Academy Creative awards last year sa kategoryang best single drama/telemovie.
Malapit na ring mapanood si Charo sa horror movie na “Eerie” na idinirek ni Mikhail Red kung saan nakipagtagisan siya sa pag-arte kay Bea Alonzo.
NETIZENS NATUWA SA PAGBABATI NINA GRETCHEN AT CLAUDINE
NATUWA ang mga netizens sa video na ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang social media account kung saan binisita niya ito sa bahay niya sa Forbes Park at nagdala ng crabs at prawns.
Niluto naman ito ni Gretchen at inihanda sa kanilang pananghalian, ayon na rin sa video na ibinahagi ni Claudine.
Sa post naman ni La Greta, makikita ang kanyang long-time partner na si Tonyboy Cojuangco na nilalaro ang alimango at pinasilip din niya na ka-sabay niyang mag-breakfast ang nakababatang kapatid na si Claudine.
Kalaunan, nag-share naman ang nakababatang Barretto ng isang IG video story kung saan makikita ang mga tao sa loob ng mansyon ng ate niya sa mansion ng mga Cojuangco. Ipinakita rin nito ang paghahanda ng kanyang Ate Gretchen at sumandal pa ito sa huli.
Maririnig naman si Gretchen na mukhang sinasabihan si Claudine na kumain na.
Kaya naman super happy ang fans ng dalawa dahil sa wakas naging okay na rin sila.
May mga nagbunyi naman sa kanilang pagbabati at nagkomento sa social media na: “Ang saya- saya… naiyak naman ako kasi finally okey na kayo. I love Gretch kasi and I love you too Clau.”
“Hindi ko alam kung bakit ang saya ko na nagkabati na kayong magkapatid.” Napakasaya na makita kayong magkasundo na.” Napakaganda nin-yong pareho” at “Blood is thicker than water. They are sisters. No matter what troubles they had, forgiveness and reconciliation are still in their hearts. Let’s be happy for them.”
Matatandaang simula 2013, may matagal nang away ang magkapatid. Naging kontrobersiyal nga noon ang pagbubunyag ni Gretchen tungkol sa umano’y drug at mental problem ni Claudine.
Nadawit pa rito ang kanilang Mommy Inday at maging ang kapatid na si Marjorie. Tinawag pa noon si Gretchen ng mag-inang sinungaling at nagbantang kakasuhan dahil sa ginawang pagbubunyag.
Noong nakaraang Chinese New Year, nag-reconcile ang magkapatid.
Dahil sa pagbabati ng dalawa, nakini-kinita ng mga kibitzer na nakakuha na ng bagong kakampi laban kay Kris Aquino si Gretchen na kamakailan ay nagbunyi ng ibasura ng korte ang dalawang kasong inihain ng dating presidential sister sa kanyang financial manager na si Atty. Falcis.
Comments are closed.