CHARTER CHANGE PANGUNGUNAHAN NI ROBIN

PANGUNGUNAHAN  ni Senator- elect Robin Padilla ang muling pagbuhay sa pagbabago ng Saligang Batas.

Nais ni Padilla na pangunahan ang Senate committee on constitutional amendments upang muling buhayin ang proseso ng pagbabago sa Saligang Batas o ang 1987 Constitution.

Sinabi ni Padilla na ibinoto siya ng karamihan dahil naniwala ang mga tao sa kanyang plataporma para sa Constitutional reform.

Ayon kay Padilla, ang Senate Comiteee on Constitutional Reform ang nais nitong pangunahang komite kasunod ng Security and Defense of the Philippines.

Sinabi nitong ipagpapatuloy ang adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa pederalismong sistema ang bansa. LIZA SORIANO