CHARTERED FLIGHT SA OFWs MULA LEBANON READY NA

DFA

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA)  na magkakaroon ng repatriation flight upang maiuwi ang mga Filipino mula sa Lebanon.

Batay sa DFA, ang flight ay naka-schedule sa Agosto16 upang maiuwi na rin ang apat na labi ng Pinoy na biktima sa naganap na pagsabog sa Beirut Port nitong Martes

“The President heard the clamor of our kababayans. This chartered flight is the most concrete, immediate and timely assistance that the Department of Foreign Affairs could provide given the current situation in Lebanon,” sabi ni Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.

Bago ang COVID-19 pandemic, sinimulan ng DFA ang  repatriation activities nito mula sa Lebanon upang hindi malagay sa mas malalang kondis­yon ang mga Pinoy dahil sa problema ng ekonomiya.

“Since December 2019, the Department has repatriated at least 1,508 Filipinos from Lebanon. When COVID-19 struck, the DFA moved to provide assistanc overseas Filipinos in the country,” dugtong ni Usec Arriola .

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa chartered flight, kumontak sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut sa +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 at +961 70858086 o mag-email sa [email protected] o sa Facebook – Philippine Embassy in Lebanon. LIZA SORIANO

Comments are closed.