NASUGBU, Batangas: Halina’t mag-enjoy at mag-relax na may kaakibat na sining at kalikasan na maihahalintulad sa bansang Pransya.
Ang Chateau Royale ay isang Hotel, Resort, at Spa na pinakabagong pasyalan at maaaring puntahan sa Nasugbu, Batangas na may sukat na 170 ektarya malapit sa Tagaytay, kung kaya’t ito ay nagtataglay ng malamig na klima at ganda ng kalikasan.
Ang malawak na resort na ito ay may ipinamamalas na mga panlabas na gawain gaya ng pag-akyat sa malalaking bato, magubat na destinasyon, gamit sa Team Building Seminar, orchidarium, mga iba’t ibang uri ng ibon na kaysarap pagmasdan, pagbibisikleta, bilyar, table games, pagsakay sa kabayo, pagsakay sa karitela, wave pools, zip line, at malawak na espasyo para sa paglalaro ng basketball, volleyball, tennis, at badminton na nakapagbibigay sa mga panauhin at bumibisita ng kakaibang karanasan.
Sa loob naman ng resort ay malilibang sa maluwag at malikhaing kapaligiran.
Tinatawag itong King Napoleon Grand Ballroom, Function Room, Theater Room, Sports Bar, at Thematic Restaurant na nag-aalay at nagpapamalas ng mga putaheng sariling atin at pandaigdigang luto na siguradong ikabubusog ng mga bisita.
Ang mga kuwarto sa hotel ay nahahati sa apat na klase. Una, ang CABIN na tanaw at makikita ang ganda ng tanawin.
Ikalawa, ang SKYLIGHTS TOWER na makakapagparanas sa inyo ng kakaibang pakiramdam.
Ikatlo, ang GULOD na tila isang townhouse na ginaya sa bansang France. At ang pang-apat na tinatawag na LAKEBOAT na may dalawang palapag.
Ang Chateau Royale ay tunay na malaki, malawak, at pinagsamang Hotel at Resort sa Nasugbu, Batangas na totoo namang makapagbibigay ng saya sa pakikipaglaro’t tampisaw sa kalikasan na puno at maghahatid ng sining at kultura na kahalintulad sa bansang Pransya.
Comments are closed.