SIMULA kahapon, nilimitahan na ang mga check-in baggage sa mga paliparan sa bansa, upang maging maayos ang pagbiyahe ng mga pasaherong papasok at palabas ng bansa.
Ayon sa ulat, ang check-in luggage ng bawat pasahero ay hindi na lalampas sa 39 pulgada ang haba, upang hindi lumampas sa mga conveyor at maging smooth ang operations ng mga conveyor sa mga airport.
Batay sa impormasyon na nakalap ng Pilipino Mirror, ang check-in baggage na lalagpas sa naturang sukat ay ikokonsiderang oversized baggage at magbabayad ng P800 sa domestic flight at P1,300 sa international flights.
Ayon sa airlines companies, ang karagdagan bayad sa mga bagahe ay alinsunod sa tinatawag na manual process na nire-required ng MIAA sa pagdala o pag-transport ng mga ito sa baggage loading area.
Kung kaya’t pinapayuhan ang mga pasahero na iwasan magdala ng oversized baggage upang maka-iwas din sa additional fees na ipapataw ng mga airlines sa airport. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.