CAGAYAN- DAHIL sa pandededma sa checkpoint, natuklasan ang pagnanakaw ng isang 23-anyos na lalaki ng motorsiko sa bayan ng Lal-Lo.
Nagmomonitor at boundary-to-boundary checkpoint ang isinasagawa ng mga pulis nang dumaan si alyas Hector checkpoint sa Barangay Catayauan.
Sa nakuhang ulat PNP Lal-lo, hindi huminto si Hector na taga Brgy. Malasin, Maconacon, Isabela at sa halip ay pinaharurot pa ang motorsiklo nito.
Sinabi ni P/Capt. Jefferson D. Mukay, hepe ng nasabing himpilan, katuwang nila ang Highway Patrol Team ng Cagayan, Intelligence Operatives ng Camalaniugan Police Station, at 203rd Regional Mobile Force Battalion 2 sa pagmamando sa checkpoint at ang ginawa ng rider ay paglabag sa kautusan.
Hinabol ng awtoridad ang lalaki gamit ang kanilang Patrol Vehicle, hanggang sa makorner ito sa may Barangay Catayauant at nang hanapan ng dokumento ay walang maipakita ito.
Nang buksan ang U-Box ng naturang XRM motorcycle ng PNP Lal-lo sa pamumuno ni Patrolman Cris Aldo Baluyut, hepe ng imbestigador ng nasabing himpilan tumambad ang isang homede pistol; 3 piraso ng bala ng 12-gauge shotgun at isang transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana.
Samantala, habang nagsasagawa ng karagdagang pag iimbestiga, ang Intelligence Networking ang mga operatiba sa iba pang mga Unit ng PNP isang flash alarm ang kanilang natanggap mula sa Quirino Police Station, Quirino, Isabela at nabatid na ang nasabing motorsiklo ay nakaw pala. IRENE GONZALES
425884 614558Hey there! Great post! Please when I will see a follow up! 393285
129138 436262quite good post, i undoubtedly love this web site, keep on it 366834