GOOD day, mga kapasada! Gaya po ng dati, dalangin ng pitak na ito sa Poong Maykapal na sana, sa panahong ito ng pandemya, ligtas tayong lahat. Lagi po nating tatandaan at gagawin sa tuwina ang gabay na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) para po sa ating kaligtasan.
Sa isyu pong ito, ating tatalakayin ang kahilingan ng isang transport group na alisin ang checkpoint sa Kalakhang Maynila na nakasasagabal sa paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan sa kanilang kapakanang panghapag kainan. Hiniling ng naturang commuter at transport group na alisin ang mga checkpoint sa Kalakhang Maynila at mga kanugnog na lalawign na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus. Sa pakikipanayam kay Atty. Ariel Inton, tagapagtatag ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), kung palalawigin pa ang panahon ng pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ay pag-aralang mabuti ng Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin na ang mga checkpoints.
Ayon kay Atty. Inton, ang mga checkpoint ay dagdag sa health risk at nakaaabala sa transport capacity mobility, samantalang ang police visibility ay para naman sa pagtulong sa pagresponde at kapag may pangangailangang pang-emergency, ang checkpoint ay abala.
Dagdag pang paliwanag ni Inton, sa checkpoints ay kapansin-pansin din na puro mga motorcycle rider delivery ang pinahihinto kahit kitang-kita naman na may dalang mga pangangailangan (essentials) tulad ng pagkain na inorder ng mga kababayan na masunurin sa itinatadhanang patnubay ng IATF.
Ayon pa kay Atty. Inton, hindi rin naman malalaman ng pulis, barangay tanod o sino pa man sa nagmamando ng checkpoint kung may COVID-19 ang isang tao kapag hinarang ito sa checkpoint.
Samantala, pabor naman si Inton sa isinaad ng Move As One Coalition na may kontribusyon din ang checkpoint sa health risk dahil sa pagdikit-dikit ng mg ito.
TIPS PARA SA MATIWASAY NA PAGLALAKBAY
Sa panahon ng mahabang paglalakbay, lubang mahalaga para sa isang drayber ang kalasag na pag-iingat nang maiwasan ang kahit na anong ‘di inaasahang sakunang maaaring maganap sa isang iglap na sandaling pagkalingat. Una, gaya ng paulit-ulit na ipinaaalala ng pitak na ito sa ating mga kapasada na baunin sa kanilang matiwasay na paglalakbay ang aral ng defensive driving.
LIMANG ELEMENTONG TURO NG DEFENSIVE DRIVING
Sa pakikipanayam ng pitak na ito sa instructor ng isang driving school sa Paranaque City, may limang paraan kung paano maii-wasan ang sakuna sa lansangan sa pamamagitan ng:
- LOOK FURTHER AHEAD
Karaniwan, aniya, sa mga driver ang may pag-uugaling walang pinapansin kundi ang nakikita sa unahan ng sasakyan. Kailangan sa isang driver na bukod sa pagtanaw sa unahan, paminsan-minsan din ang tingin sa mas malayo sa unahan o sa paligid ng mina-manehong sasakyan.
- SCAN PLAN AND ACT
Sa pamamagitan, aniya, ng pagtanaw sa malayo, sa unahan ng sasakyan, makikita ang posibleng hazards at makapagpaplano nang maaga kung papaano maiiwasan ang posibleng panganib sa pamamagitan ng wastong desisyon.
- LUMIKHA AT MAGMANTINE NG SAPAT NA SPACE
Sa tulong ng aral ng defensive driving, makagagamit ng advance driving technique at makalilikha ng sapat na puwang sa paligid ng sasakyan. Kung mayroong sapat na puwang sa magkabilang bahagi ng sasakyan, makatitiyak na ligtas sa banggaan o sabitan dahil makaiiwas sa gitgitan. Gumamit ng dalawang segundong distance rule, gayundin ng diagonal rule na ang ibig sabihin ay manatiling mayroongspace kung naiiipit sa buhol ng trapik.
- BE SEEN AND PREDICTABLE
Walang sino man ang may gustong masangkot sa isang traffic accident. If you are predictable, other drivers around ay tiyak na magsisikap na maiwasan ang aksidente. Gumamit ng headlights between sunset and sunrise, gayundin ng wastong indicator kung kinakailangan upang mapansin ng ibang driver na makaiwas sa sakuna.
- BE AWARE
Kailangan ng isang driver ang magkaroon ng ibayong kamalayan sa kanyang kapaligiran. Dahil dito, ang obserbasyon should be further ahead, middle, close behind at sa mga magiging bunga nito ay maiiwasan ng driver ang anumang bagay na ‘di inaasahan.
BASIC ELEMENTS NG DEFENSIVE DRIVING
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang basic element ng defensive driving ay ang mga sumusunod:
- Keep 100% ng buong atensiyon kapag nagmamaneho.
- Gumamit ng defensive driving technique and be aware of what others around you are doing and expect the unexpected.
- Iwasan ang gumamit ng social media gadgets o anumang electronic devise samantalang nagmamaneho.
- Prioritize car safety. Planuhin nang mas maaga ang gagawing paglalakbay. Itala kung saan maaaring huminto para sa pagkain o meryenda, magpahinga kung napagod sa pagmamaneho at makagamit ng celphone kung may tatawagan. I-adjust ang inyong upuan, mirrors at eliminate control bago lumarga sa patutunguhan.
- Practice safety driving tips. Secure cargo that may move around while the vehicle is in motion. Iwasang pulutin ang items o bagay na nahulog sa loob ng sasakyan. Kailangang may dalang mga kagamitang madaling madadampot sa panahon ng pangangailangang tulad ng toll fees, toll cards at garage passes.
- Make time for driving safely. Humintong sandali kung nagugutom para kumain. Practice defensive driving upang mabigyan ang sariling maka-react. Keep a two second cushion between you and the driver in front of you at four seconds naman kung masama ang panahon.
- Slow down (hinay-hinay lang). Iwasan ang ang pagpapatakbo nang matulin. Kung matulin ang takbo, it gives you less time to react and increase the safety of an accident.
- Think safely. Laging gumamit ng seatbelt sa tuwing magmamaneho. Iwasan ang pag-inom ng anumang inuming nakalalasing at ipinagbabawal na droga.
Gunitain ang mabigat na parusa na itinatadhana sa RA 10586 o ang Anti-drunk and Drugged Driving Act of 2013. Ito ang batas na nagbabawal sa mga motorista namagmaneho habang nasa ilalim ng impluwensiya ng nakalalasing na inumin at ipinagbabawal na droga. Nakatadhana sa RA 10586 na kailangang nasa zero percent blood alcohol level ang lahat ng drayber ng PUV, trucks, motorcycle at mga pribadong bus. Maraming paraan upang maiwasan ang aksidente sa kalye. Maging maingat at alerto lang, ayon sa Land Transportation Office (LTO).
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANJG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
433866 882777Outstanding post, I conceive individuals really should larn a whole lot from this web website its really user genial . 361961
320822 371939Um, take into consideration adding pictures or far more spacing to your weblog entries to break up their chunky appear. 635122