(Checkpoint itinayo na rin) PDZ SA PALIGID NG MAYON PINALAWAK

ALBAY- MULA sa regular na 6 kilometers, inilagay na sa 7-kilometers ang permanent danger zone (PDZ) sa paligid ng nag-aalburutong bulkang Mayon.

Sa advisory na nilagdaan ni Albay Governor Edcel Greco Lagman, sinabi nito na lahat ng nakatira sa loob ng 7-kilometer extended danger zone ay nasa preparedness status o pinaghahanda sa posibilidad na paglikas anomang oras.

“All populations inside the seven-kilometer extended danger zone is placed under preparedness status,” ayon kay Albay Governor Edcel Greco Lagman.

Palala ng gobernador, lahat ng lilikas ay kinakailangang magdala ng kanilang pangunahing pangangailangan sa evacuation kung saan sila dadalhin.

Samantala, epektibo noong Linggo ng gabi ay nagtayo na rin ng checkpoints ang awtoridad sa paligid ng bulkan upang pigilan ang nais lumapit sa bulkan gayundin maiwasan ang looting sa mga iniwang bahay ng residente.
EUNICE CELARIO