CHECKPOINT SINALAKAY NG NPA

NPA

MISAMIS OCCIDENTAL- APAT na pulis ang sugatan nang atakehin ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang checkpoint sa Barangay Putongan, Concepcion.

Sa report ng PNP- Police Region Office-10, bandang alas-7:50 ng umaga nang maganap ang pagsalakay ng mga rebelde

Nagbabantay ang mga pulis sa quarantine control point nang paulanan sila ng bala ng mga hinihina­lang NPA.

Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina: PCpl Marvin Inton, PSSg Larry Millan, PCpl Leo Gumisad at Pat Ritchel Tañola.

Patay naman ang isang rebelde na kasalukuyang tinutukoy na ang pagkakakilanlan nito.

Agad naman na rumes­ponde ang 1st Provincial Mobile Force Company of Misamis Occidental Provincial Police Office at mga sundalo ng Philippine Army sa lugar para tugusin ang mga rebelde.

Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang hot pursuit operations laban sa mga rebelde. REA SARMIENTO

Comments are closed.