CHECKPOINTS GAGAWING ‘MODIFIED’

CHECKPOINTS

PLANO ng pulisya  na gawin na ring modified ang checkpoints sa mga lansangan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.

Bunsod ito ng mas maluwag na protocols matapos na ilagay na lamang sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng Police Highway Patrol Group, posibleng ilipat na lamang ang mga checkpoints sa EDSA sa iba pang pangunahing kalsada gaya ng Katipunan, Commonwealth, C5 Road at Roxas Boulevard.

Aniya, kailangang paluwagin ang EDSA upang maging tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko.

Sa ilalim ng MECQ, mas marami ang awtorisadong indibiwal na maaring lumabas ng kani-kanilang mga tahanan kaya’t inaasahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko dahil sa mas maraming mga sasakyan.

Comments are closed.