CHED AT DEPED MEMOS SA GASTPE, PINAHAHARANG

IGINIIT ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na dapat munang isantabi ang pagpapatupad ng magkahiwalay na direktiba na ipinalabas ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepED) na kapwa patungkol sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) program.

Sa House Resolution No. 1533 na inihain ni Castro, kasama ang iba pang kapwa niyang mambabatas mula sa tinaguriang Makabayan bloc, isinusulong din ng mga ito pagkakaroon ng legislative inquiry hinggil sa nasabing isyu.

“This issue highlights the failure of the government during the transition period that it even failed to simply call for a thorough consultation with all the stakeholders but now is unilaterally removing the subsidies for these students. So, there is a strong need to investigate the latest issuances of the DepEd and CHED related to the GASTPE program to determine if the implementation aligns with the constitutional mandate of providing quality education for all, regardless of their economic status,” pahayag pa ng teacher solon.

“It is the duty of the House of Representatives to exercise its oversight function in ensuring that government programs and initiatives, particularly those concerning education, are in line with the principles of equity, transparency, and accountability,” dugtong niya,

Ani Castro, ang kalidad na naman ng edukasyon partikular ng mga mag-aaral sa Grade 11 at 12 sa state universities and colleges (SUCs) gayundin sa local universities and colleges (LUCs) ang silang apektado sa CHED at DepEd memos kaya marapat na imbestigahan ito.

“Huwag muna sanang ipatupad ang mga memo habang gumagawa ng karampatang solusyon para dito,” mariing sabi pa ng ranking House minority official. ROMER R. BUTUYAN