Mukhang nagbabalik ang Commission on Higher Education (CHEd) na totohanin ang pagpapasara ng mga iskwelahang walang pumapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Matapos mag-isyu ng resolusyong nag-aatas na isara ang mga teacher education programs na babagsak sa minimum standards ngunit hindi naman natuloy, nanganganib na tanggalin ngayon ang mga Education courses sa nga iskwelahang mababa ang performance.
Ayon Kay Rep. Kristine Alexie Besas Tutor (Bohol, 3rd district), chairman ng of House committee on civil service and professional regulation, kailangang mag-isyu ang CHED ng memorandum upang magpatupad ang polisiya.
“The CHED resolution has yet to be translated into a CHED memorandum order which implements the resolution. Implementation is also a different matter entirely,” ani Tutor.
Ayon sa mambabatas, matagal ng napag-usapang ipasasara ang mga non-performing at non-compliant teacher education programs ngunit hindi ito natutupad.
“I want to believe it will finally happen because it must be done to stop the further deterioration of basic education nationwide,” dagdag pa ni Tutor.
Sinabi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nirebisa ng CHED ang kanilang memorandum order nos. 74 to 80 and 82, series of 2017, na nakadesenyo upang siguruhin ang kalidad ng pre-service teacher education sa bansa.
Batay sa nirebisang polisiya, mag-isyu ang CHED ng notice of immediate closure of programs, bukod pa sa ibang intervention, sa mga teacher education institutions na paulit-ulit na walang pumapasa sa LET, at hindi nagkakasunod sa minimum standards batay sa pamantayan ng CHED.
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Professional Regulatory Commission ay Commission on Higher Education (CHED) sa loob ng 12 taon, mahigit pa sa kalahati o 56%, ng mga TEIs sa Pilipinas ang nakakakuha ng gradong below average sa taunang licensure exam para sa mga guro sa elementarya at secondary education.
Natuklasang sa 2023 study ng education advocacy group Philippine Business for Education, na 2% lamang ng mga iskwelahang nag-o-offer ng teacher education ang classified na “high-performing” o may passing rates na 75%.
Samantala, inihahanda rin ng CHEd ang “master plan” upang matugunan ang kakulangan ng health workers sa bansa.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero “Popoy” de Vera III, tutugunan ng nasabing master plan ang kakulangan ng bansa sa physical at occupational therapists, medical at radiologic technologists at maging sa mga nars.
Magkakaroon umano sila ng fully funded review classes para sa 500 graduates na naglalayong kumuha ng Philippine Nurses Licensure Examination.
Gayunman, hindi na papayagan ang fully-online classes liban na lamang sa mga espesyal na kaso.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang huling nagbukas ng mga campus kahit tapos na ang pandemya, upang masigurong ligtas ang mga guro at mag-aaral.
“The impact of resuming on-site learning, also known as classroom-based, face-to-face, or in-person learning experiences on the overall well-being of higher education learners cannot be overemphasized even in situations where emerging technologies, modalities, and methodologies of learning have been rapidly developed and implemented,” ayon sa CHEd.
Lahat ng higher educational institutions ay inatasan nang magsumite sa mga CHED regional offices ng framework ng kanilang teaching and institutional plans para sa onsite o hybrid learning program.
Sa hybrid program, 50% ng kurso ay in school, meaning, sa three-unit course na may class time na 54 hours, at least 27 hours ang on campus. Ang natitira pang 27 hours ay pwedeng self-studying, online learning modules, asynchronous/synchronus learning sessions, at iba pa.
Onsite din ang National Service Training Program, na may flexible learning strategies.
Iniaatas din ng CHED na ang laboratory classes at on-the-job training programs ay gagawin in-person.
“In cases where partner host training establishments have integrated emerging remote work modalities, including online options in the OJT and apprenticeship programs, the equivalent hours shall be included in reckoning the total training hours,” dagdag pa nila.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE