PINAKIKILOS ng mga senador ang Commission on Higher Education (CHED) laban sa paniningil ng ilang state universities and colleges (SUCs) sa mga estudyante.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, hindi ito dapat palagpasin ng CHED dahil malinaw sa Republic Act 10931 o ang Free College Education Law na wala na dapat binabayaran ang mga estudyante.
Sa budget deliberations para sa proposed 2019 national budget ay inihayag ng mga senador ang sumbong kaugnay sa ilang SUCs na naniningil sa mga estudyante tulad umano ng Bulacan State University (BSU).
Agad namang tiniyak ni CHED Chairman Prospero De Vera na kokomprontahin at iimbestigahan ang inirereklamong SUCs. ELMA M
Comments are closed.