CHEF BRUCE SA TEAM PHL SA CAMBODIA SEAG

IPAGKAKALOOB ng kilalang international chef na si Bruce Lim ang nutritional needs ng mga miyembro ng Team Philippines sa Cambodia 32ndSoutheast Asian Games, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

“In as much as we cater to the needs of our athletes and coaches in the competition arena, the POC is also putting premium on their nutritional needs,” sabi ni Tolentino. “And we tapped chef Bruce for that purpose.”

Si Lim ay kinuha bilang executive chef ng Philippine SEA Games Organizing Committee nang i-host ng bansa ang event noong 2019. Pagsisilbihan niya ang 804 atleta na sasabak sa Cambodia Games sa May 5- 17.

Nasa Cambodia na siya kasama sina Team Philippines deputy chefs de mission Leonora “Len” Escollante at Paolo Tancontian, na siyang nag-coordinate sa kanyang trabaho sa Cambodia SEA Games Organizing Committee.

Sinabi ni Tolentino na ang pagkain at iba pang nutritional needs ng mga atleta na walang access sa Games Mess Hall ay maaaring dalhan sa kanilang hotels o competition venues.