CHEF NILIKIDA NG RIDING IN TANDEM

riding in tandem

BULACAN – ISANG araw pa lamang ang nakalilipas nang mapatay ng  riding in tandem si Leonardo Imbien sa Poblacion Baliwag, isa na namang negosyante at chef, ng maliit na carenderia, ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng  hindi na­kilalang mga armadong lalaki sa Baypass road ng Brgy, Mabalasbalas sa bayan ng San Rafael kahapon umaga.

Sa report na tinanggap ng Camp General Alejo Santos, kinilala ang nasawing biktima na si Norberto Inosanto, nasa hustong gulang, residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, mag-aalas-7:10 ng umaga nang magpanggap na kostumer ang mga suspek na armado ng maikling kalibre ng baril.

Nabatid na kasaluku­yang nagluluto ang biktima nang bigla na lamang itong barilin ng ilang beses.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek na nakasuot ng itim na jacket, lulan ng kulay itim na motorsiklo patungo sa direksiyon ng bayan ng Bustos.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang. THONY ARCENAL