CHELSEA MANALO LALABAN NG HUSTO

Naiyak kahit pa­ano si Chelsea Manalo sa NAIA Terminal 1 nang umalis siya nitong Lunes ng gabi patungong Los Angeles USA en route sa Mexico para makipagkumpitensya sa Miss Universe 2024.

Sandali lamang si Chelsea sa LA, sa October 29, lilipad naman siya patungong Mexico.

Kasama ni Chelsea sa LA si Universe Philippines National Director Jonas Gaffud. Sampung maleta ang baon ng Bulacan beauty sa nasabing trip.

Ani Chelsea, mga magulang lamang niya ang kanyang mga supporters nang magsimula siya sa Miss Universe. Ngayon umano ay napakaraming nag-send off sa kanya sa airport.

“I can feel the support,” aniya. “Gusto kong sabihing mahal na mahal ko kayo. Ilalaban ko kayo sa Mexico.”

Makikipagkumpitensya si Manalo upang maiuwi ang ikalimang korona ng Miss Universe. Gaganapin ito sa Mexico sa November 16.

RLVN