SIMPLENG babae lang ang Bulakenyang si Chelsea Anne Manalo ngunit inilampaso niya ang 52 titleholders na galling pa sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Miyerkules, sa ginanap na Miss Universe Philippines 2024 beauty pageant sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.
Masayang masaya na raw si Chelsea nang matawag ang pangalan niya sa Top 20, at lalo nan ang makasama pa siya sa Top 10. Pero sobra na raw ang kaba ng kanyang dibdib nang umabot na sa Q & A portion.
And finally, true to her name, nanalo si Chelsea Manalo, kasama ang four runners-up: Stacey Gabriel of Cainta, Ahtisa Manalo of Quezon Province, Tarah Valencia of Baguio, and Christi McGarry of Taguig
Obvious naming half-black American si Chelsea dahil sa kanyang kulay, ngunit nakadagdag lamang ito sa kanyang charm. Ipionanganak at lumaki siya sa Meycauayan City, Bulacan kasama ang kanyang iba dahil nagdiborsyo ang mga ito noong 2000, at muling nagpakasal ang kanyang ina sa isang Filipino.
Noong 2004, kinuha si Chelsea ng kanyang biological father at pinagtapos ng grade school sa United States. Bumalik siya sa Pilipinas dahil nami-miss niya ang kanyang ina, at sa edad na 14 ay nagsimula na siyang maging commercial model at sumali sa mga beauty pageants.
Sumali na rin siya sa Miss World Philippines 2017 at nakasali naman siya sa Top 15 kahit batang bata pa siya.
Noong February 17, 2024, hinirang siyang Miss Universe Bulacan 2024. Nakuha rin niya ang titulong “Bulacan Barbie” sa nasabing kumpetisyon.
Sa Q&A portion, ang tanong ay “You are beautiful and confident. How have you used these qualities to empower others?”
Sinagot niya ito ng buong pagmamalaki. “As a woman of color, I’ve always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards actually. But for me, I have listened to always believe in my mother, to always believe in yourself, uphold the vows that you have in yourself. Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now as a transformational woman. I have here 52 other delegates with me who helped me to become the woman I am today.”
At nanalo nga si Manalo.