MUNTIK na palang mag-quit si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo sa pageant dahil kinapos siya sa pera.
Buti na lamang daw at timulungan siya ni Bulacan Gov. Daniel Ferrnando at Vice Gov. Alex Castro sa finances. Kung hindi, baka raw sa kalagitnaan ng pageant at mapipilitan siyang mag-quit.
Ipinanganak at lumaki si Chelsea sa Meycauayan City, Bulacan kasama ang kanyang ina at stepfather, dahil namatay ang kanyang American biological father. Graduate siya ng BS Tourism, na nagsusulong ng edukasyon para sa mga bata, lalo na sa mga naninirahan sa indigenous communities.
Hindi niya inaasahan ang korona dahil sumali na sya sa Miss World Philippines 2017 noong 17 years old siya at Top 15 lamang ang kanyang narrating. Pero ngayong nanalo na nga siya, gagawin raw niya ang lahat para makapwesto sa finals. At sana raw, maging inspirasyon din siya sa mga nagnanais maging beauty queen.
Totoo raw na sobrang ipinagdasal niyang sana ay masungkit niya ang korona. Sobrang nerbyos raw niya nang matawag siya sa Top 20, at lalo na sa Top 10. Pero nung Top 5 na, nagkaroon na raw siya ng confidence. Feeling daw niya, panalo na siya, hindi na nakakahiyang umuwi sa Bulacan.
Si Chelsea ang kauna-unahang black Filipino-American beauty na magrerepresenta sa Pilipinas sa 73rd Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico ngayon ding taon.RLVN