PINANGUNAHAN nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Florentino Loyola, Jr., ACT-CIS Partylist Reps. Erwin Tulfo at Edvic Yap, Masbate Reps. Richard Kho, Ara Olga Kho at Wilton Kho ang pamamahagi ng cheque assistance sa mga beneficiaries sa Municipal Hall sa bayan ng Milagros, lalawigan ng Masbate nitong Oktubre 3.
Katuwang ng DSWD sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio ang Local Government Unit (LGU) Milagros sa pamumuno ni Mayor Natividad Isabel Magbalon ang pamimigay ng tseke bilang tulong-pinansyal ng ahensya sa kabuhayan ng mga mamamayan sa lugar.
Ayon sa DSWD, umabot sa isang libong indibidwal ang nabenipisyuhan at nakatanggap ng cheque assistance mula sa pondong inilaan ng ACT-CIS Parfylist sa sustainable livelihood program ng DSWD.
Lubos ang pasasalamat ng mga recipients sa nasabing livelihood assistance program na gagamitin nila upang makapagsimula o mapalago ang kani-kanilang negosyo.
Samantala, siniguro ni PNP Provincial Director PCol. Liane Van de Velde kasama ang Milagros Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni OIC PMaj. Joenel Moratalla, PMaj. Harris Castillo, acting Chief of Provincial Operation and Management Unit (POMU), Provincial Intelligence Unit (PIU), EOD-Masbate at Philippine Army ang seguridad ng mga national figures na dumalo sa aktibidad.
RUBEN FUENTES