Kung marinig mo ang pangalang Cherie Gil, isa lang maisip mo. Magaling na artista. Magaling na kontrabida. Sino ba ang makakalimot sa iconic na linya na “You’re nothing but a second rate trying hard copycat” habang binuhusan niya ng isang basong tubig si Sharon Cuneta sa “Bituing Walang Ningning”? Mahirap pantayan ang Cherie Gil kung kontrabida roles ang pag-uusapan.
Pero biglaan ang pamamaalam ni Cherie sa showbiz. Ayon sa mga malalapit sa Eigenmann family (totoong apelyido ni Cherie), binenta na raw ng magaling na artista ang kanyang mga ari-arian dahil gusto na nyang maninirahan sa ibang bansa.
Ngayon, nagpakalbo si Cherie dahil according to her, “rebirth” daw ito para sa kanyang bagong journey. Siya ngayon ang cover sa Mega Magazine.
BAGUHANG BATANG ARTISTA WAGI SA FILMFEST SA AUSTRALIA
Isa na namang cast sa pelikulang “Ang Tatay Kong Nanay’ ang nagwagi sa Wonderland International Film Festival sa Australia. Si Arjiwan Al-Ajarmeh, isang half Pinoy, half Jordanian ay isa sa mga estudyante ng inyong lingkod sa online workshop. Noong pinaplano ang nabanggit na pelikula, isa si Arjiwan sa napinili kong makasama dito.
Napakaganda ng mga mata ni Arjiwan. Una ko pa lang siya nakita ay naihambing ko na siya kay Virgin Mary. Hindi nakapagtataka dahil ang kanyang ama ay Jordanian. Pero fluent magtagalog si Arjiwan kasi Pilipina ang Mommy niya.
Bago sa karangalang ito, nanalo na si Arjiwan ng Best Child Supporting Actress sa Golden Sparrow International Film Festival ng India.