HINDI na nakapagtimpi si Cherie Gil sa baguhang actor na feeling “entitled.” May attitude raw kasi ang baguhang actor na hindi marunong magbigay respeto sa mga katrabaho sa set, lalo na raw sa mas nakatatanda sa actor.
Aminado naman si Cherie na minsan ay nagkakamali rin siya pero marunong siyang tumanggap ng pagkakamali para ito ay ituwid, lalo kapag involved ang kanyang trabaho at mga kasama niya.
Iba raw ang kaso ng baguhang actor na ito na may attitude at napaka-unprofessional daw.
Sa Facebook account ni Cherie, mababasa ang hinanakit at galit nito.
“Yes! I am guilty of having walked out on a set in the past and being strict on my cut off time BUT with some exceptions ESPECIALLY when a senior actor is on the set.
“With all due respect that will absolutely take precedence over any of my limitations.
“What I don’t understand is that some actors feel entitled and have the right to throw their weight around regardless of any and all such considerations.
“BAKET??? HINDI KA PA PINAPANGANAK artista na sila at malaking contribution sa industry na pinagkikitaan mo rin ngayon! So BEHAVE ka lang diyan puwede?!
“Nagngingitngit ako! #Breathe.”
Sino ang may attitude na baguhang actor ?
Ayon sa source ay hindi naman daw ito nangyari sa set ng “Onanay” kung saan kasama sa cast si Cherie. Wala raw nangyayaring ganoon sa set ng nasabing serye na ikinagalit ng multi-awarded actress na si Cherie Gil.
JASMINE CURTIS SMITH NAKARE-RELATE SA ROLE NIYA SA SERYE
NAKARE-RELATE si Jasmine Curtis-Smith sa character na ginagampanan niya sa bagong drama serye sa GMA 7, ang “Pamilya Roces” dahil sa totoong buhay ay second family rin silang maituturing ni Anne Curtis dahil may kapatid sila sa ama.
Ang unang pamilya ng daddy nila ay nasa Australia. Sila ang second family at may third family pa raw ang daddy nila sa Angeles City. Ang pagkakaiba lang daw ay sa character niya ay sa totoong buhay magkakasundo silang magkakapatid. Taliwas sa “Pamilya Roces” na hindi magkasundo at magkakaaway ang tatlong wives ni Roi Vinzon at ang Roces siblings.
Mapanonood na ang “Pamilya Roces” sa October 8 sa direction ni Joel Lamangan na first time niyang makakatrabaho. Gusto niya ang naging habit daw ni Direk Joel na maagang nagsisimula ang taping at maaga rin natatapos.
Sana raw ay makagawa pa siya ng serye or even movie kay Direk Joel Lamangan.
ATE GUY IPINAUBAYA NA KAY JOHN RENDEZ ANG PAGKANTA
TILA kay John Rendez na lang ipapaubaya ni Nora Aunor ang pagkanta at paggawa ng album.
Sinamahan ni Ate Guy si John sa Star Music kung saan pumirma ito ng kontrata at doon na rin nalaman na ang Superstar ang tumatayong manager ni John.
Gustuhin man kasi ngayon ni Ate Guy na kumanta ay malabo dahil nga nasira na ang boses ng Superstar, hindi na siya makakanta at hindi na maririnig ang magandang boses nito.
Kaya siguro mas magko-concetrate na lang ang Superstar sa pagma-manage ng singing career ni John. Rap ang genre ng music ni John. Katunayan ay isa siyang rapper at minsan na rin itong nag-release ng album kamakailan.
Uso pa rin naman ang rap music ngayon at hindi ma-a-out of place si John. Isa rin composer si John at hindi mauubusan ng materials na isasama niya sa ire-record na album.
Sana this time ay tuloy-tuloy na ang pagiging singer ni John Rendez.
Comments are closed.