KINANSELA ang pinakamalaking cherry blossom festivals sa Japan dahil sa deadly new coronavirus disease o COVID-19 na mabilis ang pagkalat sa mundo.
Ang traditional spring celebrations sa Tokyo at Osaka na dinarayo ng milyon-milyong turista upang masaksihan ang puti at kulay rosas na bulaklak ay sa Abril na lamang umano idaraos.
“We are sincerely sorry for those who were looking forward to the viewing… but please give us your understanding,” pahayag ng Japan Mint sa Osaka.
Ayon sa organizer ng Cherry Blossom Festival, maari namang ma-enjoy ng mga tao ang pamumukadkad ng mga puno sa tabi ng mga kalsada.
Ang pagkansela sa festival ay bunga ng pagkalat ng COVID kung saan may 230 katao na sa Japan ang apektado habang lima ang iniulat na nasawi.
Sarado rin ang mga eskuwelahan sa lugar at hinimok ng gobyerno ang mga empleyado na sa bahay na lamang magsipagtrabaho o mag-work-from-home o mag-commute sa off-peak hours at iwasan ang malalaking pagtitipon.
Sarado rin ang Disneyland at Disney Sea ng dalawang linggo.