PINAGTULUNGANG depensahan nina Abby Maraño at Mylene Paat ng Chery Tiggo si Brooke Van Sickle ng PetroGazz sa kanilang laro para sa bronze sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Araneta Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS
NALUSUTAN ng Chery Tiggo ang two-set deficit upang gapiin ang PetroGazz, 16-25, 11-25, 25-13, 25-22, 18-16, sa Game 2 ng best-of-three series para sa bronze sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sumandal ang Crossovers sa kanilang reserves upang maipatas ang kanilang third place series sa Angels sa 1-1.
Lalaruin ang Game 3 bukas sa Big Dome kapag nagwagi ang Choco Mucho sa Game 2. Ang Cool Smashers-Flying Titans duel ay nilalaro hanggang press time.
“At least kailangan naming sumubok. Kailangang bigyan playing time ang second unit namin,” sabi ni Chery Tiggo coach Kungfu Reyes matapos ang marathon two-hour, 34-minute match.
“Sila, nasandalan main gunners namin,” dagdag pa niya.
Naitala ni third set starters Seth Rodriguez ang anim sa 17 blocks ng Crossovers, habang nagdagdag si Shaya Adorador ng 10 points.
Nag-ambag si setter Jasmine Nabor, na naging starter sa third makaraang maglaro ng spot minutes sa opening set, ng 9 points at gumawa ng 11 excellent sets.
Nagbuhos si Eya Laure ng 26 points, kabilang ang 2 blocks, 12 digs at 11 receptions habang nagdagdag si Mylene Paat ng 15 points, kabilang ang 3, blocks.
Makaraang humataw ng 36 points sa Game 1, umiskor si Brooke Van Sickle ng 30 points, kabilang ang 5 service aces, na sinamahan ng 12 digs at 8 receptions upang pangunahan ang PetroGazz.