Sinabi ng mga pulis na tumalon si Cheslie Kryst mula sa kanyang Manhattan apartment building at agad namatay noong umaga ng January 30.
Si Cheslie, 2019 winner ng Miss USA pageant at correspondent ng entertainment news program “Extra,” ay namatay sa edad na 30 years old.
Devastatated raw at malungkot si Cheslie, ayon sa kanyang mga kaanak, ngunit hindi nila inakalang magpapakamatay ito.
“Cheslie embodied love and served others, whether through her work as an attorney fighting for social justice, as Miss USA and as a host on EXTRA. But most importantly, as a daughter, sister, friend, mentor and colleague – we know her impact will live on,” ayon sa kanyang pamilya.
Si Kryst, dating Division I athlete at North Carolina attorney, ay nanalo sa Miss USA pageant noong May, 2019, at lumaban sa Miss Universe pageant nang taon ding iyon.
Nang makoronahan si Kryst, marami siyang napatunayan: sa unang pagkakataon, tatlong Black women ang nanalong Miss USA, Miss Teen USA at Miss America.
Ayon naman sa “Extra” halos kapamilya na nila si Cheslie.
Sinabi naman ng pamunuan ng University of South Carolina kung saan siya nagtapos na ang kanilang dating student-athlete ay masasabing “a woman of many talents.” Kumuha rin si Kryst ng MBA sa Wake Forest University.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan ni Kryst dakong 7 a.m. noong January 30, 2022 sa harapan ng Orion building, isang high-rise building sa West 42nd Street sa midtown Manhattan. – KAYE NEBRE MARTIN