CHESS ‘OUT’ DIN SA ASIAD

CHESS

SA HINDI pagsama sa billiards at chess ay lubhang maaapektuhan ang medal campaign ng Filipinas sa Asian Games na aarangkada sa Agosto sa Indonesia.

Ang billiards at chess ay kilala bilang ‘achievers’ kung saan hinahangaan at iginagalang ang mga Pinoy sa mundo sa kanilang natatanging husay sa dalawang naturang sports.

Ang pinakahuli ay ang panalo ni Carlo Biado sa World Pool Billiards, habang ang mga Pinoy chess player ay umani ng tagumpay, kabilang si chess wizard Mae Frayna na nakuha ang GM title.

Sinabi ni dating National Chess Federation of the Philippines (NCFP)  executive director at Grandmaster Jayson Gonzales na wala silang magawa at hindi kasama ang chess sa Asian Games.

“I couldn’t help but pity our players rendered unproductive because chess was scrapped from the roster of sports in the Asian Games,” sabi ni Gonzales.

Ganito rin ang naramdaman ni billiard queen Rubilyn Amit na nagsabing nalulungkot siya at ang kanyang mga kasamahan sa pagkawala ng chess sa Asian Games.

“Lahat kami ay nalungkot dahil hindi kami makatutulong sa medal campaign. Kung kasama ang billiards, malamang ay mag-uuwi kami ng karangalan,” sabi ng Cebuana billiards virtuoso at one-time PSA Athlete of the Year.     CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.