HINDI maikubli ni Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ang kasiyahan dahil kasama na ang chess sa sports na lalaruin sa 2019 South-east Asian Games na gaganapin sa Filipinas.
“Chess undoubtedly and undisputably is a certified achiever. The inclusion of chess bolstered the Philippines medal campaign in the SEA Games,” sabi ni Torre sa katatapos na 9th Asian Senior Chess na ginawa sa Tagaytay Convention Center sa Cavite kung saan nakuha ng 67-anyos ang korona sa 65 years old and above.
“This is a welcome news to all of us players because finally chess is included in the SEA Games. We have the opportunity once again to showcase our God-given talents and contribute to the medal campaign,” wika ni Torre.
Inalis ang chess sa nakalipas na dalawang edisyon ng SEA Games na idinaos sa Singapore at Malaysia.
“Naging unproductive ang chess sa dalawang nagdaang SEA Games. Ngayon ay magiging productive kami at makatutulong sa medal campaign,” sabi pa ni Torre.
Kamakailan ay humakot ng karangalan ang mga Pinoy sa 19th ASEAN Chess tournament na ginawa sa Davao. CLYDE MARIANO