UMAASA si chess ‘Godfather’ Billy Joe Ereno na magsisilbing tuntungan ang Philippine Chess League (PCL) sa katuparan ng pangarap ng mga kabataan na maging world-class chess master sa hinaharap.
“Stepping stone ng mga kabataan itong PCL para makaabot sila sa professional league. Dito hinahasa namin sila through online competition. Natutuwa ako at sa Finals ng Season 2 ng PCL parehong team ko ang maglalaban sa championship,” pahayag ni Ereno patungkol sa finalists Chessmis TV at Cosbusters Phil. Corporating na kapwa niya pinangangasiwaan, sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom nitong Huwebes. Maghaharap ang defending champion Chessmis TV Chess Team at Cosbusters Philippines Corp. Chess Team para sa titulo ng Philippine Chess League (PCL) Season 2 online chess tournament ngayon sa Lichess Platform.
Giniba ng Chessmis TV Chess Team ang Surigao Diamond Portrait Knight Chess Team, 250-211, habang angat ang Philippines Corp. Chess Team kontra San Miguel Chess Association, 244-180.
Nangibabaw sa laro si Anatoly Pascua, dating top player ng University of Santo Tomas chess team, na tumapos na may 17 points sa Fischer random chess o mas kilalang Chess960 Semi Finals Game 2 Linggo ng gabi na ipinatupad ang five minutes plus two seconds increment time control format.
Nag ambag naman sina Junmark Baldesimo, Alji Cantonjos at Reynaldo Aba-a ng 14, 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Kasama rin sa tumulong sa Chessmis TV sina Kharl Manliguez (11 pts.), Adrian Yulo (10 pts.), Nazario Ubanan (9 pts.), playing coach Jimmy Dano (6 pts.), Bobby Salomon (6 pts.), Arian Belly Calido (5 pts.), Lexis Bruce Portacion (5 pts.), John Chua (3 pts.) at Michael Tinga (3 pts). EDWIN ROLLON