CHIC AND TRENDING PATIO

Pasko na. Ibig sabihin, ilang buwan na lang, summer na naman. Masarap magkape sa labas ng bahay ay maligo sa mainit na sikat ng araw sa umaga.

Patio, ang versatile extension ng bahay, ang best place para makalikha ng oasis of relaxation and entertainment, kaya pagandahin natin ito.

Pagsamahin natin ang cozy indoors at breezy outdoors sa ating patio. Comfortable na, beautiful pa.

Subukan ang mo­dular sofas at mga alpombra. Lagyan na rin natin ng outdoor rugs at ilabas ang inyong favorite armchair. Sa outdoor rugs, gumamit kami ng fake lawn grass na nabibili online. Hayan, ha, ya­yamanin ka na!

Kung medyo kapos sa budget, gumamit ng recycled materials. Halimbawa, yung nga gulong ng kotse na itatapon na, pwedeng maging sofa at center table, basta maging creative ka.

As much as possible, maging minimalist at simple sa design. Mas maganda kung double purpose ang furniture. Yung may hidden cabinet ka na, may upuan pa. O kaya naman, may nakatago ka palang cooler somewhere sa furnitures mo sa patio, without sacrificing beauty.

Kung may budget, maganda sa patio ang rattan furnitures. Bukod kasi sa maganda at matibay ito, kumpor­table pa.

Hindi rin naman masamang mag-infuse ng bold colors sa outdoor furniture para maiba naman. Ha­limbawa, orage ang favorite color mo, e di ilagay mo sa color scheme ng patio.

Pwede ring maglagay ng accent accessories tulad ng throw pillows at outdoor art para sa flexibility at syem­pre, personal style.

Mas maganda sana kung may motorized awnings. Yung pwedeng ilagay at alisin anytime na gusto mo para ma-control ang sinag ng araw. Maganda rin kung may All-Weather Entertainment. Yung TV na weather-resistant televisions at sound systems para sa open-air theaters. Mas lalong okay kung perfect ang lighting to set the mood. Dapat, yung controllable via smartphone apps.

Sa pagpapaganda ng patio, hindi lamang ito for aesthetics purposes. Ito rin ang paraan to reimagine kung paano ka mag-interact sa outdoor space. Ang patio ay hindi lamang extension ng bahay kundi tibok rin ng puso ng iyong tahanan.

Nenet L. Villafania