MATAGAL nang kumikita ang mga magsasakang miyembro ng Farmer members of the Halog West Producer’s Cooperative, Inc. sa pamamagitan ng kanilang “chichacorn” (deep-fried crunchy puffed corn) na pinoproseso nila ng mahigit nang sampung taon, maliban sa pagsasaka sa 121.6 ektarya ng agrarian reform land sa Barangay Halog West sa La Union.
Mula sa kanilang panimulang kapital na sa halagang PHP5,000, ang kooperatiba ay may PHP100,000 sa bangko at may higit pang PHP2 million sa assets, pahayag ni Halog West chairman Nena Panes sa isang panayam kamakailan.
Sa ilalim ng Village-Level Processing Center Enhancement Program (VLPCEP) ng Department of Agrarian Reform (DAR), naitayo ang processing center ng kooperatiba.
Layon ng VLPCEP na makagawa ng produkto ng market competitive agrarian reform beneficiary (ARB) at para maka-engganyo ng negosyo at pagkakakitaan sa mga piling agrarian reform areas.
“The processing of corn emerged with the abundance of different variet(ies) of corn here in our community,” sabi ni Panes.
Pahayag niya na gumagamit lamang sila ng puting mais para sa kanilang “chichacorn,” at na-master na nila ang paraan para mapanatili ang pagiging malutong, kaya nananatili itong buo kahit hindi ito dumaan sa pagpoproseso.
“Our customers are mostly the local government units (LGUs), pasalubong centers here in La Union, national government agencies, and our neighborhood. We also join exhibits and trade fairs, (and) even trade fairs in Manila to grow our market. And we earn more from these trade fairs,” dagdag pa ni Panes.
Nagbebenta rin ang kooperatiba ng kanilang produkto sa pamamagitan ng social media na may sariling Facebook account para maabot ang mas malawak na merkado.
Dagdag pa niya na kang kanilang produkto ay aprubado ng Food and Drug Administration, at ito ay kumpleto sa packaging na isa sa mga kinakailangan.
Ang “chichacorn” ay kasalukuyang may label na Halog Munchies Chichacorn, pero may plano itong palitan ng Tubao Munchies.
Ang Halog chichacorn ay kinilala bilang Best Processed Food Product sa DAR’s National Trade Festival noong 2017.
Inamin ni Panes ang mga hamon sa kanilang food processing, sabay banggit sa pagbaha sa kanilang sakahan bilang isa sa kanilang laging kinakaharap na problema.
“The farmers here have long been together. They have been farming here — from our great grandparents to our parents, and to us. Tubao was known before for steamed corn as our product, but since many have been doing it already, the Department of Trade and Industry helped us come up with the idea of chichacorn. But we’ve been through a lot. Nonetheless, DAR, DA (Department of Agriculture) and the LGU here helped our cooperative,” paliwanag niya.
Ang kooperatiba, dagdag ni Panes, ay patuloy na nagbabago sa patuloy nilang pagpoproseso ng iba pang mga produkto.
“We are also looking into possibilities of processing bananas and cassava, which are also abundant here, into chips,” sabi niya. PNA
Comments are closed.