CHICHARON FESTIVAL IDARAOS SA STA. MARIA, BULACAN

Chicharon

HULING hirit sa Pebrero ang pagdaraos ng ika-13 Chicharon Festival sa Sta. Maria, Bulacan  nga­yon araw, Pebrero 29.

Ang taunang Chicha­ron Festival ay bahagi ng kapis­tahan ng Patron ng Sta. Maria, ang Immaculate Concepcion na ginaganap tuwing unang Huwebes ng Pebrero.

Sa pagdiriwang ng naturang okasyon, magpapakita ang mga mang­gagawa ng chicharon ng kanilang produkto sa iba’t ibang yari, laki at hugis.

Magkakaroon din ng cooking festival ukol sa paggawa ng chicharon na kapapalooban ng mga bago at iba’t ibang recipe.

Dahil kilala ang Sta. Maria sa chicharon, mayroon itong mala­gong agri-based industry na nakapokus sa poultry at hog raising.

Pangunahing pi­nang­gagalingan ang mga swine farms ng baboy na ang mga balat nito ay ginagawang malulutong na chicharon.

Natunton ang orihinal at pinakaunang gumawa ng chicharon sa Sta. Maria kay Pacita dela Torre-Tuazon, na imbes itapon ang mga tira-tirang balat ng mga kinatay na baboy ay ginawa niyang chicharon saka ibinenta hanggang lumago at gumaya na rin ang ilan niyang kapitbahay.

Dito lalong na­kilala ang Sta. Maria at dumarami pa ang mga recipe ng chicharon na kanilang naiimbento tulad ng chicharon steak, chicharon bituka, chicha­ron laman, chicha­ron bulaklak, chicharon bilog at marami pang iba.                            MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.