CHICKEN DELI NAGBUKAS NG SANGAY SA BATANGAS

CHICKEN DELI

MASIGLA ang simula ng 3rd quarter para sa Chicken Deli sa pagbubukas nito ng isa pang restaurant sa Batangas at naglunsad ng kanilang pinakabagong Delicious Rice Bowls na may handog na tatlong klase (Chicken Pork Adobo, Pork Bicol Express at Beef Pares) sa halagang P95 lamang.

May isa na namang dahilan ang mga residente ng Southern Luzon, lalo na sa mga Batangueño para magsabi ng: “Ala eh, ka gandang balita nire.”

Mula sa Bacolod, ang City of Smiles, nagbukas kamakailan ang Chicken Deli sa Ground Floor ng  Oasis Commercial Center FPIP, Batangas. Sa pamamagitan ng kanilang expansion, patuloy na magbibigay ng kasiyahan ang Chicken Deli sa kanilang mga suki sa kanilang original na inasalan.

Magtanong sa pinakamalapit ninyong Chicken Deli restaurant o magtungo sa kanilang website at www.chickendeli.com.ph, i-like sila Facebook at sundan sa Twitter at Instagram. Para sa Chicken Deli franchising inquiries, tumawag sa 09173028180, or email at [email protected].